
Photo from Carl’s Facebook.
“Sino ba si Carl Reyes?” Bukas ay eleksyon nanaman sa UP. At malamang ay marami sa atin ang nagtatanong nito sa ngayon. Kilala siya ng karamihan ng estudyante sa UP na tumatakbo bilang USC Councilor, pero sino nga ba talaga si Carl Reyes?
Halos dalawang taon ko nang kakilala si Carl. Isa sya sa mga una kong naging kaibigan nang ako ay lumipat ng AIT mula sa Engg. Sa halos dalawang taon na yon, masasabi ko na nakilala ko na si Carl sa kung sino siya.
Naaalala ko nung unang sinabi samin ni Carl na tatakbo siya as AITSC Councilor. “Ikaw?? Tatakbo?!” Yun ang una naming naging reaksyon noon. Nakilala namin si Carl bilang isang happy-go-lucky na tao. Masaya siya kasama at paminsan-minsan ay may mga kalokohan din. Lingid sa aming kaalaman na ang pagtakbo at pagkapanalo bilang isang councilor sa aming institute ang magpapakita samin ng totoong pagkatao ni Carl Reyes. Nang siya ay maging isang councilor ng AIT, doon namin nakita ang kakayanan at kagalingan ni Carl. Naging inspirasyon niya ang pagbibigay serbisyo sa AIT at iyon ang nakatulong sa kanya para siya ay lumago bilang isang estudyante at isang lider. Mas naging pursigido siya sa pag-aaral, naging mas aktibo sa mga gawain sa institute at maging sa labas nito at naging isang modelo at magandang ehemplo para sa mga estudyante ng AIT. Higit pa sa pagiging matalino, ilan sa mga pinakatatanging katangian ni Carl ay ang kanyang busilak na puso, pagpupursigi at dedikasyon.
Para sa akin, isa siya sa mga naging pinaka-epektibo sa current student council ng AIT. Tuwing enrolment ay malugod niyang tinutulungan ang mga estudyante sa kanilang mga concerns. Kahit pagod, buong galak parin siyang tumutugon sa mga tanong (at frustrations) ng mga estudyante. Naaalala ko noon, kahit na sobrang kinukulit namin siya sa text kakatanong ng status ng pila sa AIT, buong pasensya parin siyang nagrereply samin at inaalalayan kami sa nakakapagod na proseso ng enrolment. Pero hindi lang sa enrolment nagtatapos ang pagiging isang bibong konsehal ni Carl. Sa bawat proyekto ng AITSC at maging ng mga orgs sa AIT, todo-suporta siya. Noong nakaraang Lantern Parade, buong sipag din niyang ginabayan ang buong AIT kahit na halos maubos na ang kanyang boses kakasigaw ng aming mga cheers at chants. Hindi siya nawawalan ng enerhiya. Sa aking palagay, ang pinaghuhugutan niya ng lakas ay ang mismong kagustuhan niya na makapagbigay ng taos-puso at dekalibreng serbisyo sa aming institusyon at sa mga estudyante nito. Masasabi ko din na isa siya sa pinaka-approachable at warmest students ng AIT. He is a friend to everyone and anyone at sa tingin ko ay isa ‘to sa dahilan kung bakit nakuha niya ang tiwala ng buong AIT community. Aktibo rin siya sa mga gawaing nagsusulong ng mga karapatan nating mga estudyante. Bilang tagapagsalita ng Sanlakas Youth, buong tapang niyang binabantayan at hinaharap ang mga isyu na maaaring makaapekto sa ating mga kabataan.
Maraming taong nakakahalubilo si Carl sa pang araw-araw na buhay niya sa UP. May mga taong close sa kanya, merong tama lang at meron din namang mga hindi. Pero lahat sila, pare-pareho lang ang masasabi tungkol sa kanya. Pero don’t just take my words… Take theirs!
“Behind his smile lies a serious personality. Hindi sya katulad ng ibang kandidato, kilala ka lang kapag election period. :)” –Charmaine Octiva; AIT student.
“If leadership is an ice cream, Carl Reyes is your flavor! He voices out and stands up for what he believes in! “ –Lara Bartolome; AIT student.
“Carl Reyes is one of the nicest and most sincere people I have ever met. Kahit nung ‘di pa siya tumatakbo, he always greets me when he sees me. Sobrang approachable niya. Pag sinabi mo sa kanya concerns mo, gagawin niya talaga lahat ng kaya niya para tulungan ka. Super fun pa kasama. More more joy and laughter pag andyan si Carl. :))” –Maxeene Remulla; AIT student.
“Si Carl ay isang responsableng tao. Nagagawa niyang pagsabayin ang trabaho nila sa kolehiyo at pag-aaral. Siya ay isang aktibong estudyante. May kakayanan at seryoso siya sa paglilingkod sa mga kapwa estudyante. Madali siyang lapitan kapag may kailangan ang iba at ito yung maganda sa ugali niya. Binibigay niya lahat para lang gampanan ang mga responsibilidad niya.” –Laargie Hadlocon; AIT student.
“Hindi ko malalimang kilala si Carl subalit sa mga naoobserbahan ko, seryoso siyang magtrabaho. May pagpapahalaga siya sa pantaong karapatan, kasama si Erika Erro (at pareho din silang may kakayahan na pagaanin ang problema mo sa simpleng ngiti o biro, kahit pansamantala lang).”–Paolo Abellanosa; AIT Salimbay Editor-in-Chief.
“Even before formally meeting Carl Reyes, I had already known that he is an approachable person. Hindi kasi siya yung feeling close na mabbother ka, yet hindi rin naman snob. Sakto lang. When it comes to academic work, sobrang motivated siyang mag-aral to the point of sharing his knowledge to the full extent. Working with Carl Reyes in the student council, nakita ko kung gano siya ka dedicated to serve the institute. He is able to focus and accomplish a self-initiated goal through personal relationship, encouragement and modeling, not merely by establishing a network. He is very much willing to listen to whatever problem you might have, be it academic in nature, love life, spirituality, and will set it out according to his own set of principles. May bonus pang wits and humor. Panghuli nalang, Carl Reyes is a team player. Not limited to his own capacity, he is very eager to cooperate and work well with others as needed. Importante talaga yung pakikisama at hindi yun lingid kay Carl.” -Kenneth Hernando; AITSC Councilor.
“Si Carl ang aking USC Councilor! Bakit? Tinatanong pa ba yan? Hindi lang kagwapuhan at kakisigan ang kayang ipagmalaki ng kaibigan kong ‘yan! Higit pa sa mga katangiang pisikal nito ang kaya niyang ibigay para sa mga isko at iska. Makikita kay Carl ang mga qualities ng isang tunay na lider at magaling na follower. You can see his dedication and love not only to the university, but to its students and faculty as well. Bukod pa dito, nakikita ko talaga ang passion niya sa paglilingkod. Sa tingin ko, eto talaga ang gusto niya. Kaya Carl kung mabasa mo man ‘to, lagi kong sasabihin na lagi kitang susuportahan at nais ko talagang makita at malaman ng mga kapwa ko isko at iska na si Carl, hindi lang tunay na maaasahan bilang kaibigan kundi tunay na maaasahan din bilang isang councilor ng ating unibersidad.” -Abegail Igna; AIT student.
“Someone you can fully and absolutely entrust your future with. Someone you can lean on to in times of weakness. Someone who won’t let you down whatever it is you’re going through. .. He has an incorrigible-little-boy-streak mixed with a gallant-knight-in-shining-armour aura. HE IS MY USC COUNCILOR.” –Natanya Sison; AIT student.
Ilan lamang sila sa mga taong nakakakilala at sumusuporta kay Carl. Subukan niyong pumunta ng AIT at tiyak, marami pang mga estudyante at staff ang may magandang masasabi tungkol sa kanya. Ito ay dahil walang halong pagpapanggap at pretensions ang pagtrato ni Carl sa bawat isa. Kung sino siya sa isang `tao, yun din siya sa iba.
Dala ang kanyang karanasan, kakayanan at kagustuhang makapaglingkod, kanya naman ngayong ninanais na makapagbigay serbisyo hindi lang sa AIT, kundi pati narin sa buong unibersidad. Marami nang napatunayan si Carl, at marami pa siyang kayang patunayan. All it takes is for us UP students to trust a guy named CARL REYES.
*Disclaimer: Statements written on this article are based on personal views and testimonials from Carl’s friends and colleagues and are not affiliated with Carl’s and KAISA’s campaigns.

